
Nakikipagnegosasyon tayo para sa ating sarili!
Nitong mga nakaraang buwan, gumawa ang mga miyembro ng Efling ng mga makatuwirang alok, pero tumanggi ang mga employer na talakayin ang mga iyon. Gusto nilang gamitin natin ang mga kontratang ginawa ng mga unyon sa mga rural na lugar, na nakakawalang-galang sa ating independiyenteng karapatan na makipagnegosasyon.
Mahalaga ang ating mga kondisyon!
Kailangang tumaas ng ating sahod para makabawi sa inflation at para matiyak ang ating naaangkop na bahagi sa yamang ating nililikha. Tinanggihan ito ng mga employer. Hindi rin nila ginustong maipakita ng ating sahod ang ating gastos sa pamumuhay at sinabi nilang “hindi makatuwiran” ito. Mas mahal ang pamumuhay sa lugar ng kabisera kaysa sa pamumuhay sa iba pang lugar sa bansa. Sa halip, hinihiling ng mga employer na magtrabaho ang mga miyembro ng Efling para sa sahod na batay sa gastos sa pamumuhay sa labas ng lugar ng kabisera.
Magkasamang tumindig, magpakita ng lakas!
Hindi makikinig sa mga argumento o pangangatuwiran ang mga employer. Samakatuwid, nagpasiya ang mga miyembro ng Efling sa komite sa negosasyon na simulan ang mga paghahanda para sa mga welga. Hindi natin hahayaang makuha sa atin ang ating independiyenteng karapatang makipagnegosasyon. Hinihiling natin na isaalang-alang ang ating gastos sa pamumuhay.
Hinihiling ng komite sa negosasyon ng Efling na magkaisa at maging alerto, at maghanda para sa kung paano magwewelga ang lahat ng miyembro ng Efling.
Kapag tumitindig ang mga miyembro ng Efling – nang nagkakaisa at nakikita – gumagawa tayo ng puwersang kinakailangan para mapakinig ang mga employer sa ating mga kahilingan.
Ano ang ibig sabihin ng welga?
Karapatan ng mga manggagawa ang mga welga ayon sa batas ng Iceland (tingnan ang batas sa mga unyon at pang-industriyang pagkilos blg. 80/1938). Dapat matugunan ang lahat ng kondisyon ng batas at maisagawa nang maayos ang mga paghahanda.
Ang mga welga ang pinakamakapangyarihang tool ng mga manggagawa para makagawa ng puwersa kapag nabigo na ang lahat. 5 beses nanawagan ang Efling ng mga welga sa round ng pakikipagkasundo noong 2019-2020, kung saan humantong ang lahat sa matatagumpay na kontrata.
Dapat makakuha ang isang welga ng mayorya sa pagboto ng mga miyembrong nagwewelga. Walang pagkakakilanlan ang pagboto at hindi makikita ng employer kung sino ang bumoto para rito o laban dito.
Hindi pinapahintulutan, at sa katunayan ay labag sa batas ang pagpapatalsik sa mga taong nagwewelga, at hindi pinapayagan ang employer na mag-hire ng mga bagong tao para gawin ang mga trabaho ng mga nagwewelgang iyon.
Nagbabayad ang Efling ng suporta sa pagwelga para sa bawat araw na nawawalan ang mga tao ng sahod dahil sa welga. Kailangang mag-apply para sa suporta at posibleng may mga kondisyon tungkol sa pagpunta sa isang partikular na lugar para makapag-apply.
Kumusta ang mga negosasyon?
Nakikipag-usap ang komite sa negosasyon ng Efling sa SA mula pa noong Oktubre, noong ginawa nito ang mga kahilingan nito. 20 beses nagpulong ang komite, kabilang ang 6 na beses na kasama ang SA.
Ini-refer ang mga negosasyon sa tagapamagitan ng estado noong Disyembre, pero walang pag-usad sa mga ito, sa kabila ng pagbibigay ng komite ng tatlong alok sa SA pagkatapos nitong gawin ang mga orihinal na kahilingan nito.
Abangan ang pinakabagong balita sa www.efling.is!
Mahalaga tayo – Tayo ang lumilikha ng yaman